Home>News>Provincial>Higit 160 bags ng dugo nakolekta sa Blood Olympics

Higit 160 bags ng dugo nakolekta sa Blood Olympics

Blood Olympics
Ang Blood Olympics na ginanap sa headquarters sa Camp Gen. Miguel Malvar kamakailan. Photo courtesy ng Batangas PIO

CAMP General Miguel Malvar, Batangas — Umabot sa mahigit 162 na bags ng dugo ang nakolekta sa isinagawang Blood Olympics na ginanap sa headquarters ng Philippine National Police, sa Barangay Kumintang Ilaya, Batangas City kamakailan.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa patuloy na adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, partikular ni Governor Dodo Mandanas, na makapagsagawa ng mga aktibidad na naka-sentro sa mga programang panlipunan.

Sa gabay ng temang “Safe Blood Saves Lives: Give Blood and Make the World a Healthier Place,” naging bahagi ng blood-letting activity ang buong pamunuan ng Batangas Blood Council sa pangunguna nina Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, Blood Provincial Coordinator Dr. Josephine Gutierrez, Batangas PNP, sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director P/Col. Rex Arvin Malimban, Department of Health – Region IV-A Center for Health Development na kinabibilangan nina Regional Blood Donor Recruitment Officer, Paul Vincent Santos, at regional coordinators for Batangas, Von Endozo, Ronald Generoso ng Red Cross Batangas Chapter, Batangas Medical Center, at Rotary Club of San Pascual.

Samantala, nagbigay ng mensahe si Malimban na malaki ang maitutulong ng mga nakuhang dugo mula sa puwersa ng pulisya. Ayon pa sa PNP – Batangas provincial director, marami ring benepisyong medikal ang pagbibigay ng dugo, kaya naman hinihikayat nito ang lahat ng mga may malusog na pangangatawan na mag-donate ng dugo para sa mga kababayan na higit na nangangailangan.

Publication Source :    People's Tonight