Home>News>Provincial>Hiling ng prov’l buses: Makabiyahe sa MM

Hiling ng prov’l buses: Makabiyahe sa MM

MULING kinatok ng mga provincial buses ang leadership ng Department of Transportation(DOTr) , Inter-Agency Task Force (IATF) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-IATF-LTFRB) na payagan na silang bumiyahe papasok ng Metro Manila.

Sa text message ni Engineer Alex Yague, executive director ng Provincial Bus Associations of the Philippines (PBAOP), dahil sa kawalan pa rin ng biyahe ay naghahari ang mga colorum sa halos lahat ng routes at walang magawa ang mga commuters kahit mahal ang bayad sa pamasahe.

Ayon kay Yague, hanggang ngayon wala pa rin biyahe mula Pangasinan, Quezon at Bicol.

“Yung mga nabuksang routes from Laoag at Baguio City, very strict ang protocols. No RT-PCR test, no travel and the good thing, terminal to terminal pa rin ang biyahe,” ani Yague.

Dagdag pa ni Yague na libu-libong drivers, conductors, messengers, mechanics, at iba’t ibang personnel ng PBOAP ang nawalan na ng trabaho at talagang said na said at gutom na ang dinaranas.

Bilyong investment na rin ang nawala sa mga operators at kung ilang beses na ngang nag-reconstruct ng financial program dahil walang panghulog sa mga banks at financial institutions, dahil karamihan dito ay talaga naman financed ng mga banko, saad ni Yague.

Ulitin ko uli, ang PBOAP ay compliant sa (IATF), in proper place ang lahat ng aming safety and health protocols, handang handa po kami, pati sa mga LGUs ay compliant din po kami, sa terminal to terminal rules,” saad ni Yague.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight