Home>News>Provincial>HVT dedo sa encounter, P170K drugs nakumpiska sa Cavite

HVT dedo sa encounter, P170K drugs nakumpiska sa Cavite

Suspect Dead
Tinitingnan ng mga pulis ang napaslang na suspek na si Warlito Sinsay Crisino. Kuha ni DENNIS ABRINA

GENERAL TRIAS CITY, Cavite — Bumulagta matapos ang may ilang minutong habulan at barilan ang isang High Value Target (HVT) ng pulisya sa naganap na drug bust noong February 15, 2021 sa Bgy. Tapia.

Kinilala ng General Trias police sa pamumuno ni Police Lt. Colonel Marlo Solero, acting local police chief, ang suspek na si Warlito Sinsay Crisino, nasa hustong gulang, residente ng Bgy. Pasong Camachille 2, Gen Trias City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos, sa 8:40 p.m. na drug bust na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Drug Enforcement Unit (DEU) operatives ng General Trias pulis sa ilalim ng Oplan SACLEO ODTP ay nakaramdam ang suspek na pulis ang kaniyang ka transact kung kaya agad itong tumakas at nakipagpalitan ng putok sa pulisya.

Narekober sa suspek ang .45 caliber pistol (Armscor Sn. 1313784), anim na sachet ng shabu na tumitimbang sa mahigit 25 gramo at aabot sa mahigit kumulang sa P200,000 at 1990 Toyota Corolla (KEN115).

Publication Source :    People's Tonight
Dennis Abrina
Native of Poblacion, Kawit, Cavite