Home>News>Provincial>Kaso ng COVID sa San Pablo mababa

Kaso ng COVID sa San Pablo mababa

NAKAPAGTALA ng mababang kaso ng COVID-19 ang San Pablo City, Laguna kumpara sa ibang lugar kung saan umaabot na sa 715 sa lalawigan ng Laguna.

Ito ang lumitaw matapos ang pangalawang araw ng buwan ng Enero 2021 sa bulletin na ipinalabas ng PIA.

Labinglima ang active cases sa lungsod.

Sa Calabarzon, 4,494 , 68, 846 ang confirmed cases , 62,439 ang recoveries at 1,913 ang bilang ng mga namatay.

Mahigpit ding ipinag-utos ni San Pablo City Mayor Loreto Amante na maglagay ng mga isolation facilities sa lungsod na magagamit sakaling may napaulat na COVID-19 cases.

Noong nagdaang linggo, dumalaw si Regional Health Officer IVA Dr. Eduardo Janairo upang tiyakin na maayos na matugunan ang mga pangangailangan ng lungsod, partikular ang San Pablo City General Hospital (SPCGH). Siya ay sinalubong ni Mayor Amante at City Administrator Vicente Amante.

Publication Source :    People's Tonight