Konsehal nameke para sa sertipiko

October 11, 2019

DISMAYADO ang isang grupo sa University of the Philippines (UP) hinggil sa umano’y pamemeke ng attendance sa isang seminar ng konsehal ng San Jose Del Monte (SJDM) City sa Bulacan upang makakuha lamang ng certificate.

Ayon sa Center for Local and Regional Governance (CLRG), isang organisasyon sa ilalim ng UP Diliman, sila ay nadismaya nang mapag-alaman na hindi si Councilor Richard Maurice Robes ang dumalo sa seminar noong Agosto 5 hanggang 9, 2019 kundi ang anak nitong si Richard Maurice Robes III na isang barangay kagawad.

Ayonn sa ulat nakipagsabwatan umano si  Kagawad Robes sa mga kapwa nito  attendees, na sina Councilor Liezl Aguirre-Abat at Vanessa Michelle Roquero, para ipaalam sa CLRG na siya nga si Councilor Robes.

Kaugnay nito, sinabi ng grupo na ikinalulungkot man nila ay kailangang i-withhold ang certificate na ipinagkaloob sa konsehal.

Ayon kay CLRG Director Erwin Alampay, nabunyag ang pamemeke nang may magsabi sa kanila na hindi si Councilor Robes ang dumadalo sa seminar kundi ang anak nito.