Home>News>Provincial>Laguna residents ‘Dinukot’! 15 na ang nawawala

Laguna residents ‘Dinukot’! 15 na ang nawawala

AABOT sa halos na 15 katao ang iniulat na nawawala at hinihinalang dinukot ng di pa kilalang grupo at kawatan sa Laguna.

GabineteAyon sa pinakahuling ulat, nakilala ang apat sa mga ito na sina Percival Janus Gabinete, binata, 32, anak ni Retired PNP Official PMaj. Percival Gabinete, residente ng Villa Josefina Subdivision, Bgy. Callios, Sta. Cruz; Larry Rebong, kaanak nitong si Annalyn Rebong, alias “Canty” at isang Princess Garon, alias (Kabog) pawang mga residente ng Bgy. Pagalangan, Victoria.

Sinasabi sa ulat na nawala si Gabinete ika-24 ng nakaraang buwan habang lulan ito ng kanyang minamanehong itim na Yamahang motorsiklo dakong 7:30 p.m. sa bayan ng Sta. Cruz. May inilaang P50,000 pabuya sa sino man na makapagbibigay ng matibay na impormasyon sa insidente.

Nasundan ito ng pagkawala ng tatlong biktima na sina Rebong at Garon noong nakalipas na isang Linggo sa hindi mabatid na dahilan habang lulan naman ang mga ito sa isang silver na Honda Civic na kotse may plakang ZMS-240 patungo sa bayan ng Sta. Cruz para bumili umano ang mga ito ng bigas para sa kanilang online business.

Nananatiling blangko pa rin ang pulisya at pamilya ng mga biktima sa kanilang pagkawala.

Una rito, naitala ang pagkawala ng anim pang kalalakihan sa bayan ng Famy bukod ang apat umano sa mga ito sa lungsod ng San Pablo nitong nakalipas na ilang buwan kabilang ang napaulat na iba pa.

Patuloy na pinaghahanap ngayon ang mga biktima ng kani-kanilang mga pamilya.

Publication Source :    People's Tonight