Lalaki natagpuang patay sa mabahong sapa

December 04, 2018

BACOOR City, Cavite -- Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na nakasubsob at pinaniwalaang nalunod sa isang mabahong sapa dito noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Arnold Rusaoro dakong alas-7:30 ng umaga nang makita sa Zapote River sa Bgy. Aniban 2.

Isang residente ang nakapansin sa biktima na siyang tumawag sa mga otoridad para makuha ito mula sa mabahong tubig.

Posible umanong nahulog ang biktima sa tubig at nalunod.