Libong pasahero stranded dahil kay ‘Samuel’

November 22, 2018

STRANDED pa rin ang libu-libong travelers sa iba’t ibang port ng bansa dahil sa bangis ng Typhoon Samuel nu’ng Miyerkules, ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa latest report na inilabas ng PCG, 659 ang stranded na pasahero sa National Capital Region (NCR), 366 sa Central Visayas, 488 sa Southern Tagalog, 490 sa Western Visayas, 43 sa Bicol habang 291 sa ilang lugar sa Visayas.

Mariing nagbaba ang leadership ng PCG na mahigpit na ipatupad ng agency ang lahat ng rules and regulations lalo na tuwing masama ang panahon, tulad ng Typhoon Samuel.

Pinaalalahanan din ng PCG ang mga commercial operators at owners na mahigpit na sumunod sa rules and regulations na ipinatutupad ng PCG upang makaiwas sa anumang trahedya.

“Kailangan nating lahat na maging pro-active para sa safety ng lahat,” saad ng PCG.