Lola nasagasaan, patay

May 19, 2019

Patay ang isang 74 anyos na Lola matapos  mabundol  ng motorsiklo habang tumatawid ang biktima sa San Jose Road, Calamba City, Laguna nuong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Lt. Col. Jacinto Malinao, hepe ng Calamba Police ang nasawing biktima na si Teresa Repuyo, residente sa nasabing lugar.

Bagama’t  mabilis naisugod sa pagamutan, ang biktima ay namatay sa ospital dahil sa tindi ng pagkabagok ng kanyang ulo sa semento.

Nawasak naman ang motorsiklong minamaneho ng suspek na si Albert Encallado,  24,   residente ng Cardinal Village, Bgy. San Jose, Calamba City.

Dakong alas 8:50 ng umaga, habang minamaneho ni Encallado ang kanyang kulay pulang Suzuki Rider 150 ng mabundol niya ang matanda.