Home>News>Provincial>LTFRB nagdagdag ng 40 prov’l buses sa Mindanao

LTFRB nagdagdag ng 40 prov’l buses sa Mindanao

NAGDAGDAG pa ng 40 provincial bus units para sa tatlong routes sa Mindanao region ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa LTFRB ngayon araw (Linggo, December 27,2020) bibiyahe ang mga dagdag na mga provincial bus sa mga routes ng Cagayan de Oro City-Tacurong, Sultan Kudarat, Davao City-Arakan, North Cotabato, at Davao City-Kidapawan City.

Ang naturang kautusan ay batay sa approved Memorandum Circular (MC) 2020-051 ng LTFRB na inilabas nitong December 24, 2020.

Nagpaalala rin ang agency na walang fare hike sa mga naturang provincial buses, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng LTFRB. Bukod diyan, kinakailangang sumunod ang mga PUV sa mga alituntunin ng IATF at local government units kaugnay ng health protocols bago sila makabiyahe.

Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts.

Ang mga ito ay: 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Nanawagan rin ang mga driver, conductor, at operators na buksan na rin ng LTFRB ang mga routes sa Bicol, Visayas, Cetral Luzon papasok ng Metro Manila, kasabay ng panawagan ng mga commuters sa mga nasabing lugar.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight