Home>News>Provincial>Mag-ina pinatay sa Laguna

Mag-ina pinatay sa Laguna

PATAY ang  56-anyos na ginang na isang surety bond agent gayundin ang anak na lalaki matapos magkasunod na barilin ng di  pa kilalang  suspek Biyernes ng hapon sa Bgy. Pagsawitan,Sta Cruz, Laguna.

Kinilala ni Sta Cruz, Laguna Police chief, Lt.Col. Chitadel Gaoiran ang mga pinaslang na sina Maria Teresa Mirasol at anak nitong si Jeffrey Pascion ,36, parehong residente ng Bgy.Quinale,Siniloan, Laguna.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, unang binaril ng suspek si Pascion na nasa loob ng minamanehong itim na Toyota Innova habang nakaparada sa tapat ng Palawan Express.

Matapos barilin si Lascio ay pinuntahan ng suspek ang ginang na kasalukuyang nasa loob ng Palawan Express  at kumukuha ng pera 1 p.m.

Nakita sa CCTV sa pinangyarihan na ang suspek ay sakay ng isang  motorsiklo bago nito isinagawa ang pamamaril  sa biktimang si Jeffrey.

Pagkatapos ay nakitang pumasok ang suspek sa loob ng Palawan Express  upang barilin si Mirasol Sa kabutihang  palad ay walang tinamaan ng bala sa loob ng establishment.

Mabilis na tumakas ang suspek na may takip ang mukha,nakasuot  ng itim na tshirt, bitbit pa ang ginamit nitong kalibre na baril patungo sa bayan ng Pagsanjan.

Hindi na nagawa pang makapanlaban ng nakatalagang security guard.

Samantala ,ayon  PLt. Col. Chitadel Gaoiran, patuloy ang isinasagawa nilang malalimang imbestigasyon sa kaso para matukoy ng mga ito ang posibleng motibo, pagkakakilanlan sa suspek at ang agarang pag-aresto nito.

Publication Source :    People's Tonight