Magdyowa tumilapon mula motorsiklo, patay!

December 02, 2019

PATAY ang magkasintahang sakay ng motorsiklo nang aksidenteng bumaligtad at tumilapon ang kanilang mga katawan sa bahagi ng Bgy. Palina, Nagcarlan, Laguna, kamakalawa ng umaga.

Binawian nang buhay ang magkasintahan makaraan isugod sa pagamutan bunsod ng tinamong nga bali at sugat sa kanilang mga katawan.

Sa  ulat ni Police Capt. Elvin John Tio, hepe ng Nagcarlan police,  nakilala ang mga biktimang sina  John Rich Kevin Albueno, walang hanapbuhay,  ng Fernandez St. Kanlurang Bukal, Liliw, Laguna at girlfriend nitong si Sophia Secretario,15, estudyante, ng Lirio St. Poblacion 2, Nagcarlan Laguna.

Base sa imbestigasyon, dakong alas 11:30 ng umaga nang sinundo ni Albueno sa bayan ng Nagcarlan ang kanyang girlfriend na si Secretario.  Ang dalawa ay  kapwa walang suot na helmet patungo sa bayan ng Liliw
 hindi umano inaasahang mawala  sa tamang direksiyon sa matalim na kurbada ito nang mag-overtake sa isang sasakyan.

Dahil dito, tuluyan itong bumangga at nahulog sa konkretong kanal bago magkahiwalay na tumilapon at nabagok ang kanilang ulo at katawan.