Home>News>Provincial>Magkapatid, magtiyuhin nalunod sa baha

Magkapatid, magtiyuhin nalunod sa baha

DALAWANG magkapatid na babae at magtiyuhin ang aksidenteng nalunod sa magkahiwalay na insidente sa baybayin ng Lawa ng Laguna kamakalawa ng hapon sa Ilog Mariano, Bgy. De La Paz, Biñan City ,Laguna.

Sa inisyal na ulat ni PLt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Biñan police , nakilala ang magkapatid na biktima na sina Josephine Incomio, 15, at nakababata nitong kapatid na si Marycris, 13, at magtiyuhin na si Mark Anthony Atienza, 22, at pamangkin nitong si Jasmin Baguio, 6, pawang mga residente ng Dimaranan Subd., Bgy. De La Paz, lungsod na ito.

Dakong 3 p.m. ng Lunes naganap ang trahedya, batay sa isinagawang pahayag ng ina ni Atienza.

Inutusan ng ina si Atienza na puntahan ang kanyang ama na nangingisda sa lawa para dalhan nito ng damit.

Sinasabing lingid umano sa kanyang pagkaalam, kasamang nagtungo sa lugar ni Atienza ang kanyang apo na anim na taong gulang kabilang ang magkapatid na Incomio habang sakay ang mga ito sa sirang pintuan ng refrigerator na ginawa nilang balsa dahil lubog pa rin sa baha ang kanilang barangay.

Makalipas ang mahigit na ilang oras na paghihintay, isa ng malamig na bangkay ng ito nang matagpuan sa lawa pasado alas 12:00 kahapon ng madaling araw, kabilang ang tatlo pa sa mga biktima.

Magkakasunod na narekober ng miyembro ng Binan Rescue Team, pamunuan ng barangay at pulisya ang mga bangkay ng biktima sa baybayin ng Lawa ng Laguna matapos ang mahigit na walong oras na paghahanap.

Publication Source :    People's Tonight