Home>News>Provincial>Magsasaka, 2 pamangkin tumawid ng ilog, nalunod

Magsasaka, 2 pamangkin tumawid ng ilog, nalunod

NALUNOD ang isang 32-anyos na magsasaka kabilang ang dalawang pamangkin na menor de edad makaraang tangayin ng malakas na agos nang tumawid sila sa San Cristobal River sa Bgy. Banlic, Calamba City, Laguna , Biyernes ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni PLt. Col. Gene Licud, hepe ng pulisya, nakilala ang mga biktima na sina Dennis Espinosa, at mga pamangkin nitong sina Jessie, 16, at Jhone Asly Lalap, 13 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Nagtungo sa lugar ang mga biktima para manghuli ng isda dakong 8 a.m. ng Biyernes nang maganap ang trahedya.

Sinasabing unang nagtungo sa ilog ang ama ng dalawang bata para manghuli ng isda.

Sumunod ang mga batakasama ang kanilang tiyuhin na si Espinosa ng aksidenteng madulas ang mga ito sa gilid hanggang sa tuluyang tangayin ng malakas na agos ng tubig.

Tinangka pa umanong sagipin ni Espinosa ang dalawa nitong pamamgkin subali’t tuluyan din itong tinangay ng agos ng tubig hanggang sa malunod.

Samantala, sa kabila ng agarang pagsagawa ng rescue at retrieval operation ni Public Order and Safety Office (POSO) Chief Jeffrey Rodriguez at kanyang mga tauhan, Bureau of Fire Protection (BFP) at pulisya, ay di pa rin nagawang iligtas ang mga biktima.

Hinggil dito, nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktimamg si Jessie kung saan binawian na rin ito ng buhay bunsod ng maraming nainom na tubig.

Ang bangkay ni Espinosa at Jhone Asly ay magkahiwalay na natagpuan makalipas ang ilang oras.

Publication Source :    People's Tonight