Makabagong laboratoryo, binuksan sa Antipolo

December 03, 2018

BINUKSAN ng pamahalaang lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang bagong tayong Antipolo Institute of Technology (AiTECH) Innovation Design Engineering and Art Fabrication Laboratory (IDEA FabLab) kamakailan sa Sitio Cabading, Bgy. San Jose. Sa pagtutulungan ng AiTECH at Department of Trade and Industry (DTI) Region IV, ito ang kauna-unahan at nag-iisang FabLab sa buong bansa na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng isang LGU. Kumpleto sa mga state-of-the-art equipment ang naturang pasilidad kung saan available ang digital fabrication, advanced technical prototyping at printing sa paggawa ng mga produkto at imbensyon.

“Hindi po nagtatapos sa inauguration ng FabLab ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan dahil mas marami pa pong imprastraktura ang nakatakdang buksan ngayong taon na magiging daan para mas maging accessible para sa lahat ang mga serbisyo ng gobyerno,” pahayag ni Mayor Ynares.

Dumalo sina DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, DTI AsSec Blesila Lantayona, CHED Chairman Dr. J. Prospero de Vera  III, Rizal Gov. Rebecca “Nini” Ynares, DTI Regional Director Marilou Toledo, DTI Rizal Provincial Director Mercedes Parreño, mga mayor sa Rizal at mga opisyales at kawani ng pamahalaang lungsod.

Hindi lamang mga mag-aaral ang maaaring gumamit ng FabLab kundi pati rin ang mga local business owner at contractors mula sa pribadong sektor.