Home>News>Provincial>Mandanas namahagi ng tulong sa COVID patients, typhoon victims

Mandanas namahagi ng tulong sa COVID patients, typhoon victims

PSWDO

PATULOY ang pagtulong ni Governor Dodo Mandanas katuwang sina 5th District Board Members Claudette Ambida-Alday at Arthur ‘Bart’ Blanco kasama si Executive Assistant Carlos Pastor na kumatawan para sa Punong Lalawigan sa isinagawang Disaster Relief Operation para sa mga mamamayang apektado ng COVID-19 at sa mga naging biktima ng bagyong Quinta at Rolly.

Ipinamahagi rin ang mga rice packs at face shields na bahagi ng COVID-19 Assistance ng lalawigan para sa mga iskolar ng bayan ng San Juan, Batangas.

Mga sako-sakong relief goods ang ipinamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Officesa apat na Barangay sa Lungsod ng Batangas, ang Barangay Sto Nino Tabangao Dao, Tabaangao Aplaya at San Isidro. Jojo Magsombol.

Publication Source :    People's Tonight