Home>News>Provincial>Mayor Amante mauunang magpaturok ng COVID vaccine

Mayor Amante mauunang magpaturok ng COVID vaccine

SAN PABLO CITY, Laguna — Mauunang magpaturok ng COVID-19 vaccine si Mayor Loreto Amante upang mawala ang pag-aalinlangan ng publiko.

Ito ang naging tugon ni Amante sa hiling ng private sector, partikular na ang Fil-Chinese at SPC Chamber of Commerce sa pangunguna nina Ricky Tan at Jay Alvero na kanyang pangunahan, na kumbinsihin ang mga taga-lunsod na magpabakuna sa itatakdang schedule ng pamahalaang lokal.

Magsasagawa rin muna ng screening sa health status ng mga magpapabakuna partikular na sa mga senior citizens.

Ayon sa punong lunsod, ang bakuna ay 100 percent free.

Publication Source :    People's Tonight