Home>News>Provincial>Mayor Sara nagbigay ayuda sa Rolly victims sa Batangas

Mayor Sara nagbigay ayuda sa Rolly victims sa Batangas

Sarah Duterte
Si Presidential Daughter Davao City Mayor Sarah Duterte (gitna) kasama si Senador Imee Marcos (3rd mula kaliwa) nang bumisita sila sa lalawigan ng Batangas noong Miyerkules. Batangas Capitol PIO

BATANGAS Capitol, Batangas — Bumisita noong ika-4 ng Nobyembre si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte, kasama si Senator Imee Marcos, sa lalawigan ng Batangas at naghatid ng 150 cavans ng bigas para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Rolly.

Ang donasyon ay tinanggap nina Provincial Administrator Librado Dimaunahan at Provincial Information Officer at Chief of Staff Ma. Isabel Bejasa bilang kinatawan ni Gov. Dodo Mandanas.

Sumaksi sa isinagawang turnover sina Department of Human Settlements and Urban Development Undersecretary Meynard Sabili, Police Regional Office 4-A Chief, Brig. Gen. Vicente Danao, 5th District Board Members Claudette Ambida-Alday at Arthur Blanco, 3rd District Board Member Rudy Balba, Batangas PCL President at Ex-Officio Board Member Ronald Cruzat, mga Department Heads ng iba’t-ibang tanggapan ng Kapitolyo, at ilang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Publication Source :    People's Tonight