Motorsiklo nahulog sa tulay, 2 utas, 1 malubha

November 29, 2018

LUCENA City -- Dalawa sa tatlong kabataan na sakay ng isang motorsiklo ang nasawi makaraang mahulog ang kanilang motor sa tulay sa Bgy. Ibang-Dupay, dito, madaling araw ng Huwebes.

Sa ulat ng pulisya ng Lucena, ’di pa nakikilala ang tatlong biktima na ang isa ay 15-anyos at ang driver naman ay nasa 20-anyos at ang isa pang nasawi ay ’di pa matukoy ang edad.

Napag-alaman na ang tatlo ay papuntang ba-yan ng Pagbilao alas-2:30 ng umaga. Nang makarating sila sa Lacawan Bridge ay nag-overshot ang motor sa kanang bahagi ng tulay at tuluyang nahulog sa ilog.

Agad namang nakuha ang tatlo ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Lucena at dinala sa QMC ngunit idineklarang patay ang dalawa at ginagamot pa ang isa.