MV Yohan seserbisyuhan Iloilo-Guimaras pasahero

August 17, 2019

DUMATING na sa Iloilo kahapon ng umaga ang isang passenger ship ng Atlantis Yohan Express Corp. (AYEC), ang MV Yohan Green, para maserbisyuhan ang mga pasahero sa Iloilo - Guimaras shipping route, ayon sa report ng Maritme Industry Authority (MARINA).

Ang MV Yohan Green ay isang 170 gross tonnage (GT) na barkong may 270 passenger capacity.  

Kahapon ng 4 p.m nagsimula ang operasyon nito sa Parola, Iloilo - Jordan, Guimaras shipping route.

Ngayon namang ng umaga inaasahang darating ng isa pang passenger ship ng AYEC, ang MV Yohan Cruisser, para maserbisyuhan ang mga pasahero sa Parola, Iloilo - Buenavista, Guimaras shipping route.

Ang MV Yohan Cruisser naman ay isang 162 GT na barkong may 390 passenger capacity.