Nabagok ulo ng pulis

May 23, 2019

Namatay ang isang pulis nang aksidenteng mabagok ang ulo nito noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Patay, Sagada, Mountain Province.

Kinilala ang pulis na si Corporal Ashley Jeff Sulipa Bagangan ng Sagada Municipal Police Station.

Ayon sa report ng Sagada MPS, habang rumeresponde ang nasabing opisyal dahil sa pag-alarma galing sa Treasure Link Cooperative na nasa Poblacion, Sagada, nawalan ito ng timbang at tumumba at aksidenteng humampas ang ulo nito sa sementong daanan na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo.

Agad isinugod ang opisyal sa Saint Theodore’s Hospital sa Sagada pero kalaunan ay namatay din ito habang ginagamot.