Nagkamali ng hinipuan

May 27, 2019

IFUGAO -- Isang 63-anyos na lalaki ang nagkamali ng hihipuang babae at ngayon ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness sa kahabaan ng Amganad, Banaue, Ifugao noong Linggo ng umaga.

Ang biktimang si PSSg. Jeanette Ann Dumawol Dulnuan, 30, walang asawa, police officer at nakatalaga sa Malabon City Police Station at residente ng Ujah, Banaue, Ifugao ay nagsampa ng kaso laban sa naarestong suspek na si Lino Hummiwat Onnon, 63, at residente ng Poitan, Banaue, Ifugao.

Sa isinagawang imbestigasyon, hinipuan umano ng suspek sa maselang bahagi ng katawan ang biktima habang sakay ng Ohayammi Bus na may rutang Banaue, Ifugao papuntang Manila.