Home>News>Provincial>Naipit sa lockdown tinulungan ng PITC prexy

Naipit sa lockdown tinulungan ng PITC prexy

DAHIL sa inabot ng lockdown, isang pamilya mula Taguig City ang binigyan ng ayuda ni Philippine International Trading Corporation (PITC) President at CEO Usec. Dave Almarinez dahil na rin sa kahilingan  ni Pastor Renz Capungcol para sa kaanak na naipit sa Cabuyao City, Laguna.

Ayon kay Capungcol, hindi inaasahang abutin ng lockdown sa Bgy. Mamatid sa Cabuyao ang anim na miyembro ng kanilang pamilya matapos bumisita ang mga ito sa kanyang kapatid na babae.

Dahil dito, hindi na muli pang nakabalik ang mga ito sa kanilang tinirihan sa Taguig.

Sa loob ng mahigit na isang buwan, wala na umanong nagawa pa si Capungcol para magtungo sa lugar at sunduin ang mga ito dahil na rin sa kakulangan ng kanilang pang-araw araw na pagkain kaya humingi ito ng tulong kay Almarinez kahit hindi sila gaano magkakilala.

Agad naman aniyang tumugon si Almarinez sa ipinaabot nitong mensahe at inalam nito ang lugar kung saan mabilisang nagpadala ito ng isang cavan bigas, mga de lata, tinapay at iba pang pagkain sa pamilya.

Publication Source :    People's Tonight