Home>News>Provincial>Nasunugan sa Samal ipagpapatayo ng bahay

Nasunugan sa Samal ipagpapatayo ng bahay

SAMAL, Bataan — Nakatakda nang itayo sa lalong madaling panahon ang mga bahay ng mga nasunugan sa West Calguiman sa pagtutulungan nina Gov. Abet Garcia, Representatives Joet Garcia at Geraldine Roman at ni Mayor Aida Macalinao.

Hangarin namin na masimulan ang konstruksyon ng mga bahay sa susunod na linggo upang ang mga ito’y matapos bago mag Disyembre 16, para naman maramdaman ng bawat pamilyang ito ang kapanatagan sa kanilang pamamahay ngayong darating na Pasko,” ani Mayor Macalinao.

Nais ko pong pasalamatan ang ating Gobernador Abet Garcia sa financial assistance na nagkakahalaga ng P800,000 na siyang ipambibili natin ng mga construction materials, kay Former Mayor Gene Dela Fuente sa pagdo-donate ng 3000 pirasong hollow blocks, kay Aaron Rondilla at Beth Cruz sa pangangasiwa ng paglilikom ng mga donasyon sa pamamagitan ng Bahaynihan, Rebuilding West Calaguiman; kina Congresswoman Geraldine Roman at Cong. Joet sa walang sawang paghahatid ng agarang tulong at serbisyong may puso sa Samal, kay Ginoong Alex Acuzar, Ginoong Boyet Macha at sa Municipal Engineering Office na mamahala sa pag-aayos ng mga plano at pagtatala ng tamang sukat at posisyon ng mga kabahayan,” ani Mayor Macalinao.

Nagpasalamat din si Mayor Macalinao kay “Municipal Consultant, Kaka Rody Calara na siyang naging tulay upang lubos nating malaman ang mga pangangailangan ng mga kakabayan nating nasunugan.

Gagawan rin ng dokumento ng pamahalaan ang mga bahay na ito upang magkaroon ng kapanatagan ang pamilyang titira, na ang bahay na igagawad sa kanila.

Ito ay #AMbisyonNatin na mabigyan ng maayos na tahanan ang mga nawalan dahil sa trahedyang kanilang naranasan. Higit kaylanman ang ating #AksyonAtMalasakit ay magbibigay ng panibagong pag-asa sa ating mga kababayan sa Barangay West Calaguiman. Ating isapuso na ang mga pagsubok sa buhay ay hindi maiiwasan ngunit kung sama sama tayong magtutulungan maitataguyod natin ang bawat isa,” dagdag pa ni Mayor Macalinao.

Publication Source :    People's Tonight