Home>News>Provincial>OTBT isinagawa sa Laguna

OTBT isinagawa sa Laguna

NAGSAGAWA ng “One Time Big Time Operation” (OTBT) ang mga kagawad ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) bilang bahagi ng isinasagawang malawakang operasyon sa buong lalawigan. ng Laguna.

Kasabay nito anya ay upang usisain ang mga kolorum na sasakyan na patuloy na ginagamit ng mga tiwaling tsuper sa probinsiya.

Ang isinagawang Implementation ng PD 1612 (Visitorial Inspection) sa mga second hand na mga sasakyan (Car Shop) para matiyak na hindi ito napapabilang sa mga hot car o may mga pending na kaso sa kanilang tanggapan.

Sumailalim din sa isinagawang Inspection ni PHPT Provincial Officer PCapt. Charlie Reyes, PLt. Emerson Custodio, miyembro ng RHPU4A at kanilang mga tauhan ang nasa pitong Motor Vehicle Shop kabilang ang tindahan ng surplus na spare parts ng iba’t ibang uri ng sasakyan sa Bgy. Real, Calamba City, Laguna dakong alas 10:30 ng umaga.

Layunin aniya ng mga ito na manatiling legal at maayos ang lahat ng kanilang mga transaksiyon kabilang ang mga dokumento tulad ng DTI Certificate, Mayors Permit at iba pang Business Documents.

Hinggil dito , patuloy ang isasagawang monitoring at malawakang Inspection ni Reyes at kanyang mga tauhan sa buong lalawigan.

Publication Source :    People's Tonight