Home>News>Provincial>Palengke sa Alas asin prioridad ni Malimban

Palengke sa Alas asin prioridad ni Malimban

ALAS ASIN, Mariveles, Bataan — Prioridad ni Kapitan Florante ‘Dante’ Malimban ang pagpapatayo ng palengke sa kanyang Bgy. Alas asin.

Sa panayam ng media, sinabi ni Malimban na ang pagpapatayo ng palengke sa barangay ay hindi lang upang maging masinop ang pamimili ng mga kabarangay niya kundi magiging safe pa ang mga mamimili dito.

Sa ngayon, sa gilid ng kalsadang Roman highway ng barangay namimili ang mga taga Alas asin na pwedeng magdulot ng disgrasya dahil sa mga nagdaraang sasakyan.

Ang Alas asin ang pinakamayamang barangay sa Mariveles dahil sa mga malalaking kompanyq gaya ng GN Power at iba pa na nagbibigay ng malaking income sa barangay.

Dahil dito, nagpasya si Kapitan Malimban na gagawa siya, kasama ang kanyang mga kagawad, ng paraan upang maitayo ang naturang barangay public market dito.

Publication Source :    People's Tonight