Home>News>Provincial>Panawagan ng Atimonan church: Magbalik-loob sa ekolohiya

Panawagan ng Atimonan church: Magbalik-loob sa ekolohiya

SA paggunita nitong nakaraang Mahal na Araw, pinangunahan ng mga lider ng Simbahan at kabataan sa Atimonan,Quezon, ang panawagang pagbabalik-loob sa ekolohiya at muling iginiit na tuldukan na ang paggamit ng ‘coal’ o karbon bilang enerhiya sa bansa.

Ang panawagan ay isinagawa sa online devotion session nitong Holy Week na tinawag na ‘Daan ng Krus tungo sa Pagbabagong Ekolohikal (Way of the Cross towards Ecological Conversion) ng Our Lady of Angels Parish sa Atimonan, na inspirasyon sa 2019 Pastoral Letter on Ecology ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Pope Francis’s encyclical Laudato Si’.

Mapagsumikapan nawa naming isulong ang dagliang paglipat sa ligtas, malinis, at murang eherhiya. Tiyakin ang makatarungan at patas na paglipat sa renewable energy sources at ibasura ang mga huwad na solusyon; makiisa sa kampanya sa madaliang pagtatanggal ng mga coal-fired power plants at iba pang nakadepende sa paggamit ng fossil-fuel,” nakasaad sa statement ng Parish of Atimonan.

Sa pahayag, muling iginiit na tuldukan na ang pagtatayo ng ‘coal plants’ dahil sa panganib nitong malilikha sa climate change, at masamang impak sa kapaligiran, lalo na sa kalusugan ng sambayanan.

Batay pa sa statement, ang preserbasyon aniya ng ating ‘natural world’ at proteksyon sa karapatan ng sambayanan, maging sa mga bagong henerasyon na mamuhay sa malinis na kapaligiran ay bahagi at parsela ng kanilang tungkulin bilang katiwala ng Paglikha at Lumikha.

Quezon and many other provinces in the country have been suffering from coal’s poison for far too long. We will not tire in rejecting this dirty energy source and calling out to its financial supporters to fully shift instead to investing in clean technologies until ecological conversion truly happens in our country,said Monsignor Noel Villareal of the Our Lady of Angels Parish.” dagdag pa sa inilabas na pahayag ng mga lider ng Simbahan.