Home>News>Provincial>PDRRMO agad nagbigay ayuda sa Rolly victims

PDRRMO agad nagbigay ayuda sa Rolly victims

BATANGAS Capitol, Batangas — Mabilis na tinugunan ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pag-rescue sa mga naapektuhan ng bagyong Rolly sa Bgy. San Isidro, Tierra Verde Subdivision at Potenciana Village sa Bgy. Pallocan, Batangas City.

Katulong ang Philippine Red Cross-Batangas Chapter, Batangas City CDRRMO, Philippine Coast Guard, 202nd Brigade, Philippine Army rescue teams at iba pang mga ahensya ng pamahalaan, agaran ang isinagawang pakikipag-ugnayan ng PDRRMO sa mga apektadong pamilya.

Tiniyak ng tanggapan ng Punong Lalawigan sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at DRRMO Chief Lito Castro na mananatiling nakatutok ang Pamahalaang Panlalawigan sa sitwasyon ng probinsya.

Publication Source :    People's Tonight