PECO pinagbabayad ng overbilling sa 60K consumers

July 05, 2020

HINIMOK ng isang dating opisyal ng Iloilo City na ibalik na lamang ng Panay Electric Company (PECO) ang umano’y overbilling nito sa kanilang mga konsiyumer sa halip na gumastos sa mga abogado at publicity upang habulin ang kinanselang prangkisa ng Kongreso.

Sinabi ni dating Iloilo City Councilor Joshua Alim na dapat ayusin na lamang ng PECO ang sinasabing pagkakautang sa 60,000 konsiyumers dahil sa umanoy overbilling sa monthly electricity consumption na umaabot ng halos 1,000 porsiyento.

“PECO should stop wasting its cash on huge lawyers’ fees in trying to stop the new distribution utility from operating and instead save its cash for the payment of the remaining amount of unrefunded overbilling,” paliwanag ni Alim na nanguna sa mga opisyal ng Iloilo City na nagpaabot sa Kongreso ng pagtutol na ma-renew ang prangkisa ng PECO dahil umano sa mga reklamo sa serbisyo nito sa loob ng ilang dekada.

Sinabi ni Alim na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-refund sa mga konsiyumer ang P630 milyon habang nabuking ang ukmano’y maling pagbabasa ng mga metro ng kuryente na kailangan ring ibalik sa mga konsiyumer.

Tinukoy ni Alim ang naging technical study ng MIESCOR Logistics Inc. noong 2019 na nagsasabing may 30,000 umanong illegal power connections sa Iloilo City na mas mataas pa ang nakokonsumong kuryente kaysa sa mga lehitmong konsiyumer kaya umabot sa 9.3 porsiyento ang systems loss.

“This is very bad because not only were we paying for the high consumption from illegal power connections but were also overbilled by as much as 1,000 percent,” pahayag ni Alim kung saan inamin nito na ang isyu sa overbilling ng PECO ang pangunahing umanong dahilan kung bakit umayaw ang mga Ilonggo sa serbisyo nito at nanawagan sa Kongreso na huwag nang i-renew ang kanilang prangkisa.

“We Ilonggos still oppose PECO returning to operating the electricity distribution system in Iloilo City. The fact that it would rather pay its lawyers and PR consultants huge fees than pay consumers back shows its attitude towards consumers, remains bad,” giit pa nito.

Samantala ipinagtanggol din ni Alim ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa bintang na lumala ang brownout mula nang i-takeover nito ang power distribution sa Iloilo City.

Iginiit ni Alim na resulta ang nararanasang brownout ng isinasagawang comprehensive preventive maintenance na naglalayong ipagbuti ang serbisyo dahil pinapalitan ang mga luma at sirang mga pasilidad na nasa likod ng madalas na power interruption dahil sumasabog ang power lines at nagkakaroon ng overloading.

“The repair and preventive maintenance works that caused the brownouts that PECO is now saying proves the inability of MORE Power to manage the city’s power system came from their own failure to invest in new capital equipment and technology which MORE Power is now solving with its preventive maintenance work,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito sinabi naman ng Iloilo City Council sa nakaraang public hearing na kinikilala nito ang More Power na nag-iisa at legal na power utility sa lalawigan dahil ito ang may hawak ng legislative franchise mula sa Kongreso at inisyuhan ng certificate of public convenience and necessity (CPCN) ng ERC para makapag-operate bilang distribution utility sa Iloilo City.