Home>News>Provincial>PNP general humanga sa progreso ng Bataan

PNP general humanga sa progreso ng Bataan

Valeriano T de Leon
B/Gen. Valeriano T de Leon, newly-designated PNP regional director for Central Luzon, ay nakatanggap ng warm welcome mula kay Bataan Gov. Abet S. Garcia, Rep. Joet S. Garcia at Bataan provincial consultant-journalist Mar T. Supnad nang ang police general ay nag-courtesy call noong Huwebes sa The Bunker, ang provincial capitol buliding sa Balanga City. Kuha ni CHRISTIAN SUPNAD

BATAAN PROVINCIAL CAPITOL — Humanga ang bagong regional director ng Police Regional Office III na si PBGen. Valeriano T. De Leon kay Gov. Abet S. Garcia at sa progreso ng Bataan.

“Napakayaman na ang Bataan, progresibo,” ani De Leon sa kanyang courtesy call noong isang araw kay Garcia, kasama sina Cong. Joet Garcia, Mayor Francis Garcia at Mayor Charlie Pizarro ng Pilar.

Ipinakita ng gobernador ang mga facilities ng 1Bataan command center sa Orani, ng The Bunker’ at iba pang proyekto ng Bataan.

Inilibot din ng gobernador ang heneral sa loob ng The Bunker na kung saan ay lalong napahanga ang PNP general.

Tinalakay ni De Leon at Garcia sa isang meeting upang ang kalagayan ang pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ng Bataan.

Ipinakita kay De Leon ang ‘The Bunker’ kung saan ang ikalawang palapag nito ay magsisilbing government one-stop-shop para sa mas mabilis at maayos ang pagbibigay ng serbisyong pampubliko sa mga taga- Bataan.

Ikinagagalak din niyang malaman na tayo ay mayroong isang 1Bataan Command Center na malaki ang kontribusyon sa pagbaba ng krimen na nagaganap sa kahabaan ng Roman Superhighway. Sa amin pong pag-uusap ay sinigurado namin ang patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan para sa pagsulong ng kaayusan at kapayapaan sa ating lalawigan,” ani Garcia.

Publication Source :    People's Tonight