Pusher nanlaban, patay

December 12, 2019

Patay ang isang wanted na drug pusher na nanlaban sa tauhan ng Laguna Provincial Intelligence Branch (PIB) Drug Enforcement Unit ((DEU) at Lumban PNP sa Provincial Road, Bgy. Lewin, Lumban Laguna, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta kay PRO4A Calabarzon PNP Director PBGen. Vicente Danao Jr. nakilala ang napatay na suspek na si Jeffrey Brosas  alyas Bobby/Pavy, residente ng Purok 3, Bgy.  Oogong, Santa Cruz, Laguna.

Ayon sa pulisya, isa sa miyembro ng Mac-Mac Punio’s Drug Group ang suspek na kabilang sa DI Watchlist ng pulisya kung saan dati na itong napiit sa Laguna Provincial Jail sa loob ng mahigit na limang taon hinggil  sa pagtutulak ng droga sa Sta. Cruz, Lumban, Pila at bayan ng Liliw.