Home>News>Provincial>PWD na lolo, nagsuko ng baril

PWD na lolo, nagsuko ng baril

ISANG Persons with Disabilities (PWD) na 71-anyos na lolo ang nagsuko ng kanyang baril sa mga otoridad sa Bgy. Warey, Malasiqui sa nasabing probinsiya.

Nakilala ang lolo na si Arturo Garcia y Cayabyab isang PWD, 71, biyudo, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, bandang alas 2:15 ng madaling araw ng Miyerkules, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malasique Police Station sakay ng kanilang mobil car, nakita sila ni lolo at inimbitahan na pumasok sa loob ng kanyang bahay.

Habang nasa loob ng bahay, boluntaryong isinuko ni lolo ang isang hindi lisensiyadong baril na kalibre .38 na walang tatak at serial no. at merong isang bala.

Nasa kustodiya na ng Malasique PS ang nasabing baril para sa tamang disposisyon.

Publication Source :    People's Tonight