Home>News>Provincial>Quarry operators hinarangan ng trak NLEX entry, exit points

Quarry operators hinarangan ng trak NLEX entry, exit points

INIHARANG ng mga Pampanga hauling and quarry operators ang kanilang mga dump truck sa entry at exit points ng North Luzon Expressway na naging sanhi ng heavy traffic sa buong lalawigan Sabado ng umaga.

Ayon sa mga operators, sila ay nagpo-protesta sa kautusan ng NLEX na ipagbawal sa mga lampas sa 12-wheeler truck ang paggamit ng expressway.

Kabilang sa mga apektadong entry at exit point ay ang San Fernando, San Simon, Mexico, Angeles, Mabalacat, Dau at Sta. Ines at ng mga entry at exit point ng SCTEX sa Porac at FloridaBlanca.

Ayon kay Lennard Lansang, pangulo ng Porac Truckers Association, dalawang buwan na umanong hindi pinapayagan ng NLEX na dumaan ang mga truck sa mga expressway.

Sabi ni Lansang, milyong piso na ang nawawala sa kita ng mga hauling operators at maging sa quarrying collection ng Pampanga.

Humingi na daw sila ng dialogue sa Metro Pacific Tollways Corporation ngunit makailang beses na silang hindi hinarap para pag-usapan ang kanilang concern.

Inilapit na daw nila kay Gov. Dennis Pineda ang kanilang hinaing at agad naman itong umaksyon subalit hindi rin daw ito pinansin ng MPTC.

Kaya nagdesisyon ang mga truckers na iharang sa lahat ng entry at exit points ng NLEX ang kanilang mga truck para sila ay mapansin ng MPTC.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight