Rap song kinompose para sa aral, advisory ng Philippine National Police-AVSEU7

December 06, 2018

Ang rap song na ito ay pinamagatang “Gabay Patungo sa Ligtas na Paglalakbay” na iniawit nila PO1 Ronald Paloso, PO1 Queen Aico Facundo, PO1 Juan Vincent Nopia sa direksyon at pag-eedit ng video ni PO1 Rudolph Riddick B. Fajardo at sa kanilang talent manager na si Supt. Gazbamiller Guzman na lahat ay naka-assign sa PNP-AVSEU7 na naisagawa noong Dis. 4, 2018 sa Unit Tactical Operation Center, AVSEU7 sa Mactan, Cebu.

Ang awiting ito ay gabay sa mga pasahero tungkol sa lahat ng aviation security sa airport saan man sa Pilipinas upang habang nasa loob ng jurisdiction nila ang mga komunidad ay ligtas ito sa kanilang paglalakbay.

Tila sa pagsabay sa uso ang ginawa ng kanilang team gamit ang social media upang madaling maipahayag at maipara-ting sa publiko ang kanilang mensahe. Sa loob lamang ng 48 oras nakatamo ito ng 20,000 views sa Facebook. Nagpapasalamat ang AVSEU7 sa lahat ng sumoporta sa kanila na nakamit nila ang ganitong karamihan viewers upang madaling tumatak sa isipan ng tao ang kanilang kailangan sundin sa airport.

Patuloy sana ang suporta ng mga kapwa Pilipino sa ating mga kapulisan dahil handa silang isakri-pisyo ang kanilang buhay upang mapaglingkuran lamang tayo.

Sa layunin ng unit na mapalawak ang kaalaman sa aviation security ng komunidad, iba’t ibang paraan ang isinagawa at sinimulan ang pagpapalawak ng promosyon sa lahat ng gumagamit ng paliparan sa aviation security, mga panukala sa kaligtasan at paghahalo ng tradisyonal, moderno at trending na paraan ang mga pagpapalawak ng kaalaman. Kaya noong Dis. 1-3, 2018 ang AVSEU7 Rap Band, “POLIZIA LA ERE” (Police in the Air), ay ni-likha.

Nagpakita ng suporta ang mga empleyado ng AVSEU7 sa pamamagitan ng pag-like at pag-share ng video ng AVSEU7 “POLIZIA LA ERE” sa kanilang mga Facebook friends at sa iba’t ibang facebook pages. Ito ay nagkamit na ng higit 21, 500 views, 745 likes o reactions at meron na rin itong 167 comments at 684 shares as of Dec. 6, 2018. Ang nasabing video ay in-upload din sa YouTube para sa karagdagang promosyon.

Malaki ang naiambag ng makabagong ideya sa mga nagawa ng apat na strategic pokus ng PNP PATROL PLAN 2030. Itong kakaibang paraan ng kamalayan sa seguridad ay walang gastos sapagkat ang unit ay ginagamit lamang ang mga empleyadong may kasanayan sa pag-awit at ang maaring gamitin na gadget o phones lamang.