Home>News>Provincial>Salceda nanawagan ng tulong para sa 2nd District ng Albay sa sinalasa ni “Rolly”

Salceda nanawagan ng tulong para sa 2nd District ng Albay sa sinalasa ni “Rolly”

LEGAZPI CITY – Nanawagan si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ng ayuda para sa kanyang distrito na matindi at lubhang sinalasa ni Super Typhoon Rolly, kung saan malawakang kasiraan ang iniwan na tinatayang aabot sa P2.1 bilyon ang halaga.

Mga 20,494 pamilya na binubuo ng mga 66,328 katao ang ngayo’y kasalukuyang nasa mga ‘evacuation centers’ sa distrito, gaya ng mga sumusunod: Camalig, 6,648 pamilya o 22,296 katao; Manito — 1,647 pamilya, 6,866 katao; Rapu-rapu — 2,052 pamilya, 7,714 katao; Legazpi City – 6,439 pamilya, 14,535 katao; Daraga — 3,708 pamilya, 14,917 katao.

Ayon kay Salceda, mga 286 bahay ang buong niluray ni Rolly sa kanyang distrito, mga 450 ang matinding nagiba, at 768 ang bahagyang nasira. May populasyong 613,740 katao ang ikalawang distrito ng Albay na kinakatawan niya sa Kamara.

Nagmamakaawa kami sa inyong kagandahang loob at pagka-maawain para matugunan ng aming mga kababayan ang kanilang payak na mga pangangailangan,” pakiusap ni Salceda.

Para sa mga nais tumulong, mangyari lamang na makipag-ugnayan at tumawag sa mga sumusunod: Atty Carol Sabio, 0917 253 8813; Justin Jay Bolanos, 09175788215 / 0923 729 3443; Zaldy Santillan, 0925 852 4174.

Para naman sa mga nais magkaloob ng salaping tulong, mangyari lamang na magdeposito sila sa: TAYO, Inc Metrobank Team Albay Youth Organizations, Inc., 595-7-59500460-4; GCASH Cathlea E. Madrona, 09561633980; at Palawan Express, Asher Jade T. Azul 09065910447.