Home>News>Provincial>Sanggol itinapon sa kalsada, iniligtas ng iyak

Sanggol itinapon sa kalsada, iniligtas ng iyak

Sanggol
Ang nasagip na sanggol. Kuha ni GIL AMAN

HIMALANG nakaligtas ang bagong panganak na babaeng sanggol na itinapon sa gilid ng kalsada matapos marinig ang malakas na iyak nito  sa Putok 1 , Bgy. Calumpang, Liliw, Laguna ,Biyernes ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Nagcarlan PNP, dakong alas 10 a.m. ng hindi inaasahang matagpuan ang sanggol ng isang Wilson Tubangbanua,39, Pepsi Cola Sales Assistant, ng Bgy. Banago, Nagcarlan.

Dahil sa iyak, inihinto ni  Tubangbanua ang kanyang minamanehong motorsiklo at nakita nito ang sanggol sa gilid ng tangke ng tubig malapit sa ilog.

Nakabalot sa isang puting tuwalya ang sanggol. Nakapulupot  pa sa kanyang leeg ang kanyang umbilical cord kaya’t hinihinalang kapapanganak lamang nito.

Dahil dito, agaran nitong ipinagbigay alam sa mga residente at kagawad ng barangay ang insidente. Agad itong isinugod sa Nagcarlan District Hospital para lapatan ng lunas habang patuloy na inaalam ng pulisya ang posibleng pagkakakilanlan sa kanyang mga magulang para sampahan ng kaukulang kaso.

Kahapon ay nasa mabuti ng kalalagayan ang sa naturang  sanggol sa ospital.

Publication Source :    People's Tonight