Home>News>Provincial>Satellite Tech bill OK na sa ICT kumite ng Kamara

Satellite Tech bill OK na sa ICT kumite ng Kamara

PASADO na nitong linggo sa Information and Communication Technology (ICT) kumite ng Kamara ang panukalang House Bill 70812 na naglalayong pasulungin ang ‘satellite technology’ at ang lalong malawakang gamit nito sa umuusbong na ‘digital economy’ kahit sa mga liblib na sulok ng bansa.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, at may akda ng panukalang batas, ang “satellite-based internet broadband’ bilang isa sa mga plataporma ng madali at higit na malawak na ‘internet connectivity,’ ay mahusay na alternatibo at madaling itatag para sa higit na mabisang internet.

“Mahalaga ang ‘satellite liberalization’ dahil sa liblib na mga pamayanan ng bansa, masyadong mahal para sa mga kumpanya ang mag-instila ng ‘broadband or fiber optic’ na maiiwasan kung ‘satellite-based internet’ ang gagamitin, na magiging daan naman para mapabilis ang pag-unlad ng mga rehiyon at lalawigan.

Habang malayo ang mga pamayanan sa malalaking isla gaya ng Luzon at Mindanao, higit na malabo silang magkaroon ng ‘internet’ at umunlad, lalo na at ang mga pagkakataong umunlad ay nakabatay na sa makabagong teknolohiya sa komunikasyon,” paliwanag ni Salceda.

Pinuna ng mambabatas na ang ang ‘internet access’ ang parang ‘land reform program’ para sa kasalukuyang henerasyon. “Dahil ang kayamanan ay lalong nakasalalay sa teknolohiya at ang mga kapaki-pakinabang na trabaho ay medaling matagpuan ‘online,’ kailangang tiyakin natin na maging madali ang higit na mura at maasahang teknolohiya para sa ng mga Pilipino,” dagdag niya.

Dahil din sa hindi ito nakasalalay sa mga linyang koneksiyon, ang ‘satellite-based internet’ ay madaling makapaghatid ng serbisyong internet sa mga hiwa-hiwalay na isla ng bansa, kagaya ng tradisyunal na ‘fiber-based systems,” dugtong niya. Sinabi din niyang ang ‘internet connectvity’ ay naging sadyang kailangan para makabangon ang bansa mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemya.

Sa kasalukuyan, mayrong internet, ngunit masyado itong mabagal at mahal kaya hindi ito gaanong maasahan ng mga nagtatrabaho mula sa kanilang tahanan at sa sistemang ‘distant learning’ na ipinatutupad ng mga paaralan. At gaya ng mga puna, sa Pilipinas kung saan halos libre na ang pag-aaral, maraming kabataan mula sa mahihirap na pamilya ang nagpasiyang tumigil muna dahil sa kamahalan ng internet.

Sa ilalim ng HB 7081, gagawing higit na mabisa ang internet, at lalong malinaw ang mga regulasyon kaugnay nito. Maliwanag din ang mandato ng Department of Information and Communications (DICT) para mabisa itong maipatupad. Gayon din, bibigyang karapatan nito ang mga ‘internet service providers’ at ‘value-added services (VAS) providers’ na magtatag ng sarili nilang ‘network’ na gagamit ng mga teknolohiya upang magining kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ang malusog nilang kumpetisyon.

Ang mga sadyang kailangan para maka-kunekta sa ‘satellite’ gaya ng pagtatatag ng sentro at ‘network’ ng mga tinatawag na ‘very small aperture terminals’ o VSATs na magagamit para sa madali at mabisang paghahatid ng serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng ‘cable’ o ‘Wi-Fi,’ ay sadyang akma para sa mga paaralan at’community centers’ sa malalayo at liblib na mga barangay.

Ayon kay Salceda inaamuki din ng HB 7081 ang mga ahensiya ng gubiyerno, mga pampamahalaan at pribadong paaralan, mga boluntaryong samahang pangkarunungan, mga ahensiyang pang-kapaligiran at pang-‘climate change’ at iba pang nakatuon sa pagtugon sa mga kalamidad, na magkaroon sila ng sariling ‘satellite-based technology systems’ upang higit na maging mabisa ang kanilang mga programa.

May kaugnayan ang HB 7081 sa apat na panukalang batas na akda rin ni Salceda – ang ‘Faster Internet’ (HB 312), ‘Schools of the Future’ (HB 311), ‘Comprehensive Education Reform’ (HB 6247), at ‘Skills-based Education’ (HB 6287).

Batay sa mga ulat ng DICT, sinabi ni Salceda na may mga 48 ‘satellites’ na handang magbigay ng ‘bandwidth’ sa Pilipinas “ngunit dahil sa umiiral na mga panuntunan na bansa ilalim ng EO 467 na inilabas noong 1998, kaugnay sa paggamit ng ‘satellites,’ ipinagbabawal ang pakikipag-ugnay sa ‘International Fixed Satellite Systems’ kaya ang mga kumpanyang otorisado ng National Telecommunications Commission ay hindi makapagbigay ng ‘international telecommunications services.