Home>News>Provincial>Tax relief inanunsyo ng Antipolo City

Tax relief inanunsyo ng Antipolo City

INANUNSYO ng Antipolo City government na magkakaroon ng tax relief sa lungsod, bilang pakikiisa sa pagsubok na pinagdadaanan ng mga ordinaryong mga Pilipino at mga maliliit na negosyo.

Marami po tayong pinagdaanan ngayong 2020 na dulot ng iba’t ibang kalamidad na sumubok sa mga buhay at kabuhayan ng marami. Kahit ubos na at wala nang pumapasok na pondo sa pamahalaang lungsod ngayong panahon ng pandemya, ginagawa po natin ang lahat para makatulong at makagaan, tulad ng pagkakaroon ng tax relief para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares.

Pero nilinaw ng alkalde na para sa mga existing na negosyo, “waived” o hindi na kailangan na magbayad ng business taxes at ibang regulatory fees sa 2021 kung ang gross sales o receipts o ang kabuuang kita sa buong 2020 ay P200,000 pababa.

Inihalimbawa dito ang mga sari-sari stores, parlor o barber shop, talyer, vulcanizing shops, karinderia, computer shops, bakeries, at iba pa na mga small and medium enterprises o SME’s.

Walang babayaran ngunit kailangan mag-apply for renewal ng business permit,” sabi ni Mayora Ynares.

Sa mga kukuha naman ng New Business Permit, walang ipapataw na taxes at fees sa mga bagong mag-a-apply pa lamang.

Ibig sabihin, walang anumang babayaran ngunit kailangan lang mag-apply ng permit.

Gustuhin man po natin, hindi po kasama dito ang barangay clearance at fire regulatory fees ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa mga umiiral na batas ng bansa, at hindi sa batas ng Antipolo,” sinabi ni Mayora Ynares.

Sa mga katanungan maaring tumawag sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) 86894535 / bplo@antipolo.ph; Treasurer’s Office 86894523 citytreasurerofantipolo@yahoo.com / treasurer@antipolo.ph.