Home>News>Provincial>Tinanong muna bago pinatay

Tinanong muna bago pinatay

“SAAN ang daan palabas?”

Ito ang huling pangungusap na narinig ng isang lalaki bago siya binaril hanggang mamatay Linggo ng umaga sa Laguna.

Binaril at napatay ang 52-anyos na lalaki ng di kilalang suspek na unang nagtanong sa biktima kung saan ang daan palabas.

Ang insidente ay naganap sa Block 2, Lot 15, St. Francis 9, Bgy. Canlalay Biñan City, Laguna, dakong 5:45 a.m.

Kinilala ni PLt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan City Police ang nasawing biktima na si Rodel Villanueva, residente sa naturang lugar.

Dalawang tama sa katawan mula sa hindi mabatid na uri ng baril ang ikinamatay ng biktima matapos barilin ng suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Base sa pahayag ng kapatid ng nasawi na si Joselmo Villanueva, nasa labas ng kanilang tahanan ang biktima ng dumating ang suspek.

Nagtanong umano ang suspek sa biktima kung saan ang daan palabas ng subdivision.

Matapos maituro ng biktima ang tamang saan ay naglabas ang suspek ng baril mula sa kanyang sling bag at pinaputukan si Rodel.

Mabilis na tumakas ang suspek samantalang idineklarang dead on arrival si Villanueva sa Ospital ng Biñan si Villanueva.

Publication Source :    People's Tonight