Home>News>Provincial>Trike drivers sa Samal nabigyan ng P300K tulong

Trike drivers sa Samal nabigyan ng P300K tulong

SAMAL, Bataan — Dahil sa inisiyatiba ni Mayor Aida Macalinao, nabigyan ng tulong financial ang mga tricycle drivers dito.

Maagang biyaya ang ating natanggap para sa ating mga minamahal na miyembro ng Samal Tricycle Drivers Association. Tayo ay nabigyan ng DOLE ng biyaya na nagkakahalaga ng P300,000,” ani Macalinao.

Sinabi ni Macalinao na 30 tricycle drivers ang mga naging beneficiaries ng proyektong ito.

Ang perang kanilang natanggap ay makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pag-acquire ng mga motorcycle accessories at services,” anang Mayor.

Pinasalamatan ni Macalinao ang DOLE Region III sa pamumuno ni Ma. Zenaida A. Angara-Campita, DOLE Provincial Director Ms. Leilani M. Reynoso at Rico Val Bacuyag sa ayuda sa mga tricycle drivers ng samal.

“Maraming maraming salamat rin sa lahat ng bumubuo sa PESO Samal, sa pangangasiwa ni Portia Tuazon,” dagdag pa ni Macalinao.

Publication Source :    People's Tonight