Truck nahulog sa bangin

April 29, 2019

PATAY ang isang lalaki makaraang mahulog sa bangin ang kanyang minamanehong mini Isuzu truck sa bulubundukin ng Barangay Dianawan sa bayang Maria Aurora matapos mawalan ng preno.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jerry Catigueroa, 59, ng Poblacion West Asingan, Pangasinan. Isinugod sa hospital ang biktima subalit namatay makaraan ang ilang oras.

Ayon sa report, patungo sa bayan ng Baler ang truck lulan ng mga tiles ng ito’y mahulog sa bangin bandang alas-2 ng hapon.   Mamer Banez

Dagdag ng report, madami ng naganap na aksidente sa kinahulugan ng truck.

Nitong nakaraang araw isang tourist bus na pag-aari ng Angara ang tumagilid sa nasabing lugar kung saan isa ang patay at 23 mga pasahero ang nasaktan.