Tuluyang provincial bus ban sa EDSA pinag-iisipan

June 19, 2019

KINUKUNSIDERA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tuluyan ng huwag padaananin ang mga Provincial bus sa EDSA sa pagputol ng kanilang mga franchise.

Sa ilalim ng panukala ng LTFRB sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga bus na mula sa north ay hanggang sa isang terminal ng Valenzuela, at ang mga bus mula sa south ay hanggang Turbina sa Santa Rosa, Laguna.

Gayunpaman, sinabi ng MMDA na maghihintay ito para sa desisyon ng Korte Suprema matapos ang ilang mga petisyoner ay nagpahayag ng kanilang mga karaingan tungkol sa provincial bus ban.

Magugunita na nagreklamo ang ilang kumpanya ng bus na isinisisi umano sa kanila ang sanhi ng traffic sa EDSA.

Sinabi pa ng ilang kumpanya ng bus ang paglilimita umano ng byahe sa Valenzuela terminal at Santa Rosa ay makakapekto sa kanilang negosyo at serbisyo sa mga commuters.