Home>News>Metro>Noche Buena packs bigay ng Pitmaster sa poorest of poor ng NCR
Metro

Noche Buena packs bigay ng Pitmaster sa poorest of poor ng NCR

UMAABOT SA 17,000 food packs para sa Noche Buena buena ang ipinamahagi ng Pitmaster Foundation Inc. sa 17 lungsod ng Metro Manila.

Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz, ipinadaan sa mga mayors ang noche buena donations at sila na ang bahalang magbigay nito sa pinakamahirap na mga constituents nila.

This is our little way na iparamdam sa mga mahihirap na mga kababayan natin na kahit may pandemic, tuloy ang pasko sa pamamagitan ng simpleng salo-salo ng pamilya,” paliwanag ni Atty. Cruz.

Ani Cruz, bawat lungsod ay hinatiran ng 1,000 food packs na nagkakahalaga ng P500 bawat isa.

Ito ay naglalaman ng ilang kilo ng bigas, de lata, spaghetti, fruit cocktail, at iba pa.

Ramdam po namin sa Pitmaster ang pinagdadaanan ng mga tao sa mga panahon ngayon lalo na ang mga mahihirap na simula pa noong ECQ ay problema na ang pagkain”, dagdag pa ni Cruz.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng mga LGUs sa NCR sa maagang pa-noche buena ng naturang foundation.