Home>News>Metro>Option bukod sa PMVIC hiniling

Option bukod sa PMVIC hiniling

HINAMON ng commuter at transport groups ang Land Transportation Office (LTO) na magbigay ng option sa mga public utility vehicle drivers at motorcycle owners bukod Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC).

Sa isang interview, sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection LCSP, na ito ay upang magkaroon ng option ang mga motorista na hindi kaya ang singil sa PMVICs.

Paliwanag ni Inton na hindi lahat ng may-ari ng sasakyan ay mayayaman katulad na lamang ng mga PUVs o jeepney at mga motorcycle owners.

May allocated budget worth P800 milyon, nasaan na?,” saad ni Inton.

Makati City Pabakuna

Matatandaang kuwinestiyon ni Inton ang pagsasa-pribado ng motor vehicle inspection matapos ang mga reklamo na idinudulog sa LCSP.

Hinahamon ko ang LTO pati na rin ang Department of Transportation, gawan nila ng paraan na gawing public yang PMVIC na yan para may ibang option naman ang mga kababayan nating motorista,” ani Inton.

Ayon pa kay Inton, sa report na nakuha ng LCSP, majority ng vehicular accidents ay sanhi ng pagmamaneho ng high sa droga o lasing na drivers.

Sige gawin nilang public yan. Mag-request uli sila ng pondo para naman hindi mahirapan yung ibang motorista, gumawa sila (LTO) ng paraan, yan ang tungkulin nila,” dagdag ni Inton.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight