Home>News>Events>“Paglaya Yarn?!” Freedom and Dissent: A Book Talakayan of F. Sionil José’s Mass
Events

“Paglaya Yarn?!” Freedom and Dissent: A Book Talakayan of F. Sionil José’s Mass

Paglaya Yarn - F. Sionil

Iniimbitahan ang lahat sa book discussion na magaganap sa Pasinaya 2022. Pinamagatan itong “Paglaya Yarn?!” Freedom and Dissent: A Book Talakayan of F. Sionil José’s Mass, alas-kuwatro ng hapon (4:00pm) sa ika-20 ng Pebrero 2022, sa pamamagitan ng Zoom.

Ang talakayan ay pangungunahan ni Jayson Vega at inorganisa ng Pinoy Reads Pinoy Books, katuwang ang Intertextual Division ng Cultural Center of the Philippines.

Ang Pinoy Reads Pinoy Books ay isang book club na tumatangkilik sa mga librong Filipino.

Ang librong Mass ay isang nobelang historikal at politikal na isinulat ni National Artist for Literature F. Sionil Jose. Inilathala ito noong 1983. Isinalaysay sa nobelang ito ang iba’t ibang pangyayari sa Pilipinas bago ideklara ang martial law ng rehimeng Marcos. Tampok sa librong ito ang paglalakbay at pagtuklas ni Jose Samson, pangunahing tauhan, upang maging isang magaling na pinuno at upang maipaglaban ang pagkakaroon ng pagbabago at pagkilala sa karapatan ng sambayanan, gayundin ang mga pagsubok na kanilang kinaharap. Ipinakita rin sa nobela kung paanong binago ng kaniyang mga kaalaman at karanasan ang pagtingin sa bawat bagay, maging ang kagustuhan na hindi na magbalik muli sa lugar kung saan siya nagmula.

Si Francisco Sionil Jose o mas kilalang F. Sionil Jose ay isang nobelista, peryodista, manunulat ng maikling kuwento, sanaysay, at iba pa. Kabilang siya sa mga pangunahing manunulat na Filipino sa wikang Ingles. Siya ay itinanghal bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2001.

Libre ang pagsali sa online book discussion at ito ay bukas sa lahat!

Narito ang detalye para sa Zoom:

Meeting ID: 859 1677 1590

Passcode: intertext

Para sa mga interesado, maaaring makipag-ugnayan sa [email protected] o kay Jayson Vega sa [email protected]

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph