Home>Editorial>Miscellaneous>Pagpupugay at Pasasalamat

Pagpupugay at Pasasalamat

C130 Patikul

Kasabay ng pagpupugay para sa mga sundalong biktima ng trahedya sa C130, marapat papurihan din ang mga kababayang Muslim at iba pang sibilyang tumulong sa pagsagip sa ibang mga sakay nito. Patunay na sa panahon ng trahedya nakikita ang pagdadamayan anumang kulay, paniniwala at etnisidad. Ilang mga bagay na pinagwawalang bahala ng mga nasa siyudad makapagbatikos lang. Marami pa ring mga kababayan na sa kabila ng pangyayari ay nakuha pang kastiguhin ang sandatahan. Uo may sapat na pasahod ang mga militar pero hindi yun mapapantayan ang oras at sakripisyong binibigay ng bawat unipormado para makapagserbisyo at masiguro ang seguridad ng bayan. Kabayanihang matatawag ang maging kasapi ng pwersa ng pamahalaan dahil handa silang harapin anumang panganib para sa dignidad at karangalan ng bansa kapalit ang oras na makapiling ang kanilang pamilya, magsakripisyo ng sarili dahil sa habang buhay na emosyonal na epekto sa bawat kaganapan sa buhay pagsusundalo.

Makati City Pabakuna

Lee Angeles

C130 Patikul