Home>Editorial>Opinion>Pagsali sa NPT may positibong kontribusyon sa PH

Pagsali sa NPT may positibong kontribusyon sa PH

INAPRUBAHAN na kahapon ng Senado ang ating pagsali sa ‘Treaty on Non-Proliferation of Nuclear Weapons, na mas kilala sa tawag na ‘NPT’ (Non-Proliferation Treaty).

Unang nabuo ang NPT noong 1968, matapos ang tatlong taon na negosasyon at naging epektibo (‘went into force’) noong 1970.

Muli itong nilagdaan noong 1995 kung saan nagkasundo ang mga bansa (191 bansa na sa ngayon), na ang bisa ay wala nang katapusan (indefinite effectivity).

Sa gitna naman ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa mundo dahil sa polisiya ng Imperyalismong US na nakabatay sa agresyon, eh, tanging “dasal” na lang talaga ang pag-asa ng sangkatauhan na hindi hahantong ang lahat sa digmaang nukleyar kung saan lahat ay talo at walang mananalo.

Sa ngayon, ilan lang naman ang mga bansang may armas-nukleyar, ang ‘Estados Unidos, Russia, China, Great Britain, France, Pakistan, India, North Korea at Israel.

At sa lahat ng ito, alam nating Amerika lang ang aktwal na gumamit ng atomic bomb—nang dalawang beses pasabugan ng atomic bomb ang Japan noong 1945.

Bukod dito, may ilang insidente rin na “muntik” nang muling gumamit ng armas nukleyar ang Amerika—sa Korean War at Vietnam War.

Masaklap pa, hanggang ngayon ay hindi inaalis ng US ang ‘first strike option’ nito sa paggamit ng armas nukleyar sa sino mang bansa na sa tingin nito ay “kaaway” katulad ng Russia at China.

***

sa Pinas, na hanggang ngayon ay walang kakayahang gumawa ng sariling armas, may dalawang “positibong kontribusyon” ang pagpirma natin sa NPT.

Makati City Pabakuna

Una na rito ay ang ating programa para sa paggamit ng nuclear energy, isang murang pagkukunan ng kuryente na makatutulong ng malaki upang mapalakas ang ating ekonomiya.

Batay kasi sa NPT, may karapatan ang mga ‘non-nuclear armed countries’ katulad ng Pinas na makibahagi sa teknolohiya ng mga ‘nuclear-armed countries’ para sa mapayapang paggamit nito, katulad ng mga nuclear power plant.

Kumbaga, makahahanap tayo ng mas mura—at mas modernong teknolohiya—para sa pagtatayo ng planta nukleyar.

Sa ganang atin kasi, planta nukleyar ang sagot sa monopolyo sa kuryente ng mga oligarkiya na ang pagkontrol sa ating elektrisidad ay ang “ugat” kung bakit pinakamahal ang bayad natin sa kuryente sa buong SE Asia.

Ibang klase” rin ang siyensiya na nasa likod ng ‘nuclear technology’ kaya naniniwala tayong makatutulong ito upang makarating naman sa ‘space age’ ang ating lokal na siyensiya at ang kaalaman at karanasan ng ating mga siyentista.

Ikalawa, “pinatibay” ng ating paglagda sa NPT ang probisyon ng Saligang Batas na pagbabawal sa pagkakaroon ng mga armas-nukleyar sa nasasakupan ng teritoryo ng ‘Pinas.

Translation? Ang ating paglagda sa NPT ay dagdag-argumento upang huwag nang muling magkaroon ng mga permanenteng base-militar sa Pilipinas ang mga Amerikano.

Alam naman din kasi natin na hanggang ngayon, patuloy na “naglalaway” ang mga Kano na muling makabalik sa Pinas, partikular na sa Subic, na isang estratehikong lokasyon para kay Uncle Sam sa ikinakasa nitong giyera laban sa China.

Ngayong ang Pinas ay kasali na sa NPT, mas lalong nawalan ng dahilan upang muling makabalik pa dito ang mga base militar ng Kano.

Dapat lang naman

Publication Source :    People's Tonight