Home>Editorial>Opinion>Palaging nakatingin sa negatibo

Palaging nakatingin sa negatibo

MAY malaking problema talaga ang ating bansa. Hindi iyong mga nakikita natin sa paligid, hindi iyong mga gawa ng kung sinu-sino.

Ang totoo, tayo mismo ang problema. Palagi naming napag-uusapan ni Anthony Taberna kung ano na ba ang nangyari sa mga kababayan natin.

Kung ikukumpara sa nagdaang mga dekada, iyong makakita ka lang ng taong naglagay ng temporary na tulay na kawayan para makatawid ka sa gutter deep na baha, tuwang-tuwa na tayo.

Iyong tipong habang umuulan at may nagsabi lang sa iyo na, “Tara sukob ka rito para hindi mabasa“, heaven na agad ang pakiramdam. Feeling mo, may nagmalasakit sa iyo na hindi mo man lang kakilala.

Nawala na iyong ganoong kultura ng maraming kababayan natin. Hindi ko alam saan at kung kailan nagsimulang malusaw ang ating pagiging mabuting tao at marunong magpasalamat sa maliit man o malaking biyaya.

Baka dahil masyado tayong hati sa pulitika at wala na tayong nasa isip kung hindi ang kulay ng ating kakampi at anong kulay ng ating kalaban kaya ang mga utak natin ay puno ng galit.

Kung tutuusin, napakaraming magagandang bagay ang nangyayari sa ating bansa pero may mga kababayan tayo na mas gustong tingnan ang negatibo. Doon lamang sa problema natin sa illegal drugs, hindi natin alam tingnan ang positibong nangyari matapos ang all-out war ng gobyerno laban dito.

Isipin nyong mabuti, kapag sinabing drugs, nakakabit na dyan ang lahat ng krimen, mula sa snatching, Akyat Bahay, robbery, murder cum massacre, carjacking hanggang sa rape mula sanggol hanggang seniors.

Sa halip na ang nakita natin ay ang malakas na pagpuksa ng gobyerno laban sa mga kriminal at mga drug traffickers, may mga taong mas gustong pakinggan ang “EJK” angle na hindi naman state policy.

Makati City Pabakuna

Ngayon, ang MRT at LRT ay well maintained at marami nang tumatakbong train. Mula sa dinatnan ng Duterte administration na walo na lang ang dispalinghadong tumatakbo, ngayon ay 18 hanggang 20 trains na. Pero iyong ibang kababayan natin, ang hina-highlights pa rin ay kapag may nasira at tumigil sa gitna ng riles.

Halos gawing headline at ipagsigawan sa lahat ng sulok ng mundo na may isang nasira na train! Ganoon tayo ka-negatibo.

Pati sa pagbili ng bakuna, ang agad nasa utak ay may kickback sa halip na tingnan muna ang pagsisikap ng gobyerno na magkaroon ng vaccine para malutas ang pandemic.

Itong bagong bukas na Skyway Stage 3 na nagpaluwag sa Edsa at sa iba pang road arteries, naghihintay ako ng mga komentaryong negatibo mula sa mismong mga taong walang mabuting nasabi sa bayan niya.

May marinig o mabasa lang akong negatibo tungkol dito, kakausapin ko talaga si Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation para bigyan siya ng sariling daan papunta sa sky!

Napaka-toxic kapag nakita mo ang laman ng mga social media, daming galit sa mundo. Iyong wala nang nakitang tama, para sa kanya, lahat ng makita niya, produkto ng kasamaan at resulta ng kapabayaan.

Ang punto de vista natin, hindi na ba tayo marunong magpasalamat sa mga positibong bagay na nangyayari sa ating bansa.

Sabi nga sa isang libro, iyong negative thinking ay atraksiyon para sa mga negatibo at iyong positive thinking ay magnetic force para positibo.

Kung choice mong maging negatibo, aba’y bahala ka sa buhay mo! allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV