Home>Editorial>Miscellaneous>Pananatili ng e-sabong, binatikos ng Obispo
Miscellaneous

Pananatili ng e-sabong, binatikos ng Obispo

Binatikos ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag pahintuin ang operasyon ng mga Online-Sabong (E-Sabong).

Magugunita na sinabi ni Duterte na nakakabuti at kailangan ng pamahalaan ang nasisingil na bilyong piso na halaga mula sa mga operasyon ng E-Sabong.

Iginiit ni Pabillo na hindi tama ang dahilan ng pangulo dahil ipinapakita nito na tanging ‘pera’ ang kapalit ng buhay ng mamamayan na nalululong sa pagsusugal.

Ayon kay Pabillo, di dapat na mas mahalaga ang pera kumpara sa buhay ng nawawalang 34 na indibidwal na inuugnay sa online sabong.

Dapat umano na isaalang-alang ng pamahalaan ang ikabubuti ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatigil ng operasyon at pagkakaroon ng masusing pag-aaral sa tunay na epekto ng Online Sabong.

Naniniwala si Pabillo na kahit kelan ay hindi makakabuti sa mamamayan at pamilya ang anumang uri ng sugal dahil nagdudulot ito ng epekto na kapareho ng pagkalulong sa ilegal na droga.

Ipinagdarasal ni Pabillo na unahin ng mga lider ng Pilipinas ang kapakanan ng mamamayan kasabay ng panghihimok sa bawat isa na ipinalangin rin na ipag-adya ng Panginoon ang kanilang kapwa mula sa pagkalulong sa masamang bisyo.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.