Home>Editorial>Miscellaneous>Pila-baldeng Ayuda

Pila-baldeng Ayuda

Antipolo Water Purifier

Pila-balde na tulong ang hatid ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City sa mga residenteng apektado ng Bagyong Ulysses. Kamakailan ay nagtungo ang Antipolo mobile shower at Antipolo Water Purifier na siyang pinilihan ng mga residente sa Sitio Abuyod, Bgy. San Jose. Bukod sa paliligo ay nagkaroon din ng access ang mga residente sa malinis at maiinom na tubig sa pamamagitan ng Antipolo Water Purifier.

Makati City Pabakuna

Agad pumila at nagdala ang mga residente ng mga lalagyan para punuan. Hindi rin mawawala ang ating Mobile Kitchen, na nagpabusog sa mga residente. Libreng kain, inom at ligo ang hatid ni Mayora Andeng Ynares, para maiparamdam sa mga apektadong residente na hindi sila nakakalimutan ng kanilang lokal na pamahalaan.